FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  
into at pilak, _botas de montar, espuelas_ na pilak, isang _balaraw_, dalawang revolver sa magkabilang baywang at isang _rifle_. Nang makahinto na't maitali ang kabayo sa isang puno ay pinagduop ang dalawang kamay sa labi at ginayahang makaitlo ang huni n~g bahaw. Hindi pa man halos napapawi ang tunog n~g huni'y nagban~gon ang isa katao sa isang bunton n~g yagit na nalalayo n~g may m~ga dalawang pung hakbang ang agwat sa kinatatayuan n~g ating binata. --Bigyan po ni Bathala n~g magandang gabi ang aking kapitan--ang bati n~g buman~gon sa bunton n~g yagit. --?Ano ang balita, kaibigang Pating? --Kung sa balita po'y marami, n~guni't kakaunti na ang panahon; kung ibig mo pong masunod ang iyong han~gad ay kailan~gang makarating tayo n~g bayan sa loob n~g isang oras. --Kung gayon ay may panahon pa akong magpahin~ga n~g kaunti at maisalaysay mo naman sa akin ang lahat n~g namatyagan sa bahay na pinabantayan ko sa iyo. ?Nakahanda na bang lahat nang tao? --Opo. --Kung gayon ay umupo muna tayo at ipagsabi mong lahat ang nalalaman. Ang dalawa'y nagtigisang putol na kahoy at nan~gagsiupo sa tabi n~g isang puno n~g mangang kalapit. --Ang una ko pong ginawa ay ang makituloy sa kalapit bahay ni tininting Moneng at mula roon ay minatyagan ko ang m~ga nangyari. Nakita ko pong sa maghapong araw ay walang hinto ang paghahanda at pagyayao't dito n~g m~ga dalaw at kamag-anakan n~g dalagang ikakasal; n~guni't ang binibini natin ay miminsang lumabas sa kaniyang silid at n~g makita ko'y may bakas na luha ang m~ga pisn~gi at ang namumugtong m~ga mata ay nagpapahayag n~g malaking kadalamhatian. Sa pamagitan n~g may ari n~g bahay na aking tinuluyan, na gaya n~g pagkaalam mo'y aking hipag, ay pinadating ko sa dalaga ang sulat mo pong ipinabigay at inantabayanan ko ang sagot. May m~ga isang oras at kalahating nagantay, bago ko nakitang nabuksan ang bintana sa silid at may isang maputing kamay na naghulog n~g kaputol na papel na aking pinulot at binasa. Ang napapalaman ay ganito: "Ikaw na wari'y nagdudulot sa maralita kong buhay n~g isang maligayang lunas ay pinasasalamatan ko n~g labis, n~guni't ... iay!... mahirap n~g mangyari ang maiwasan ko pa ang huling sandaling ikapupugto n~g aking pagasa. Gayon ma'y maraming salamat" Matapos kong mabasa ang sulat ay inihanda ko na ang lahat n~g tao at pinagbilinan n~g m~ga gagawing alinsunod sa utos mo. --Mabuti kung gayon. --N~guni't ipahintulot mo po sa akin ginoong kapitan ang isa
PREV.   NEXT  
|<   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  



Top keywords:
dalawang
 

bunton

 
kapitan
 
panahon
 

kalapit

 

balita

 

pamagitan

 

pagkaalam

 

dalaga

 
ipinabigay

pinadating

 

tinuluyan

 
namumugtong
 
anakan
 
dalagang
 

ikakasal

 
binibini
 
walang
 

paghahanda

 

pagyayao


miminsang

 

inantabayanan

 

nagpapahayag

 

malaking

 

kadalamhatian

 
kaniyang
 
lumabas
 

makita

 

pagasa

 

ikapupugto


maraming
 
sandaling
 

huling

 

mahirap

 
mangyari
 
maiwasan
 

salamat

 

Matapos

 

Mabuti

 
ipahintulot

ginoong

 

alinsunod

 

mabasa

 
inihanda
 

pinagbilinan

 
gagawing
 

pinasasalamatan

 

bintana

 

maputing

 

naghulog