gon sa pagkakahiga at tinalon halos ang aming
hagdanan, na dala ang isang itak. ?Ano ang nangyari? Aywan ko;
datapwa't n~g kinabukasan ay wala na akong ina at si ama ay
nabibilango, dahil sa kasalanang pangloloob. ?Saan ako tutun~go sa
gulang kong labing dalawang taon at papano ang pagpapalibing sa aking
ina? Ako'y lumapit sa lahat n~g aming kakilala at ipinanghin~gi n~g
limos ang kahalagahan na ipagpapalibing sa bangkay n~g aking magulang,
datapwa't n~g ako'y pauwi na sa amin ay nasalubong ko ang taong
sinin~gil ni ina at ako'y ipinahuli sa dalawang civil na kasama,
sapagkat ako'y anak n~g mangloloob. Dinala ako sa _cuartel_ at
ipinasok ako sa _calaboso_; at doo'y aking nakita na si ama'y
halos naghihin~galo na lamang at ang katawa'y tadtad n~g latay. iGayon
daw ang pahirap sa m~ga magnanakaw!
Isang buntong hinin~gang malalim n~g binata ang pumadlang sa
pagsasalaysay at isang nakatanang luha ang namalisbis sa kaniyang
pisn~gi, at ang mukha niyang aliwalas at laging malumanay ay dinalaw
n~g isang kaban~gisan. Napatitig sandali sa lan~git, n~guni't ang
titig na iyon ay isang pagsisi mandin doon sa na sasa kataasan na
siyang inaakalang nakakapamahala sa kalupaan. Ang titig n~g isang
Lucifer ang tumapon sa m~ga mata n~g isang may mukhang banayad.
--iMagnanakaw si ama! iAng taong maninin~gil, n~g puri't kaligayahang
nawala'y mangloloob! iAy anak ko! ang tan~ging nasambit n~g aking
kaawaawang magulang n~g ako'y matanaw na umiiyak sa kaniyang piling.
Ako'y napayakap sa katawan ni tatay na pigta sa dugo at nawalan n~g
diwa. Isang malakas na palo ng yantok ang nagpabalik sa budhi kong
tumanan. ?Ilang sandali akong hindi nagkamalay tao? Aywan ko, n~guni't
n~g aking imulat ang m~ga mata ay nakita kong ang bangkay ni ama ay na
sa isang munting papag at pasan n~g apat kataong maglilibing; susundan
ko sana, datapwa't ang sakit n~g aking m~ga buto'y hindi nagpahintulot
sa gayon, kaya't ako'y naiwan sa _calaboso_, na, bukod sa salanta
ang katawan ay isang araw n~g sinkad na hindi kumakain. Isang gabi pa
akong nakatulog doon sa kalait lait na kulun~gang kinamatayan ni ama.
Nang kinabukasan ay pinalabas ako sa tulong n~g ilang palo pa, kaya't
sa pamagitan n~g munting lakas na nalalabi sa akin katawan ay naginot
akong makarating sa aming bahay na inabot kong bukas at wala ang
bangkay ni ina. ?Sino ang nagpalibing? Sa aking kamusmusan ay wala
akong naisip liban sa akalang baka dinala n~g asuang ang bankay,
sapagka't dito sa atin ay ka
|