g bibig.
Marahil ay nan~gapahinto n~g malaon ang m~ga naroon kundi siyang
pakadin~gig n~g isang sigawang galing sa daan.
--iSunog! isunog!--anang m~ga taong na sa lansan~gan.
Nagkagulo at nagpanakbuhan ang lahat, datapwa't isang alilang
humahaman~gos at halos wala n~g hinin~ga, dahil sa pagtakbo, ang
lalong nagpalala n~g gitla.
--Kapitang Ape, kapitang Ape--ang sigaw n~g bagong dating--ang bahay
mo po'y nilooban n~g tulisan pagkaalis mo at pagkatapos ay sinunog;
ang pinakapan~gulo po n~g nangloob na nakakabayo ay may kandong na
isang babaying diwa'y dalagang ikakasal dahil sa kagayakan.
Si tininting Moneng ay nalugmok sa isang uupan at si kapitang Ape ay
kumutkot n~g takbo na patun~go sa kaniyang bahay. Wala siyang dinatnan
kundi ang pagkabatid n~g katunayan n~g kaniyang kasawian at wala
siyang natanaw kundi ang pagaalab na n~g may kalahati n~g dati niyang
magandang tahanan.
--Umakyat kayo--ang sigaw n~g matanda sa m~ga taong
nan~gagsisitakbo--umakyat kayo at maraming salapi sa cajon n~g
aparador.
N~guni't ?sino ang man~gan~gahas na pumasok sa isang bahay na ang
kalahati ay nagaalab? kaya't n~g walang makin~gig ay siya ang pumasok.
Sandali lamang at nakita sa kabahayan, n~g m~ga nasa daan, ang anino
n~g pumasok, at pagkatapos ay isang ioh! ang bumukal sa lahat n~g
bibig.
Siyang pagbagsak n~g bahay na nagdidin~gas.
* * * * *
Nang kinabukasan ay nakita sa bunton n~g abo ang katawang tupok n~g
mayamang kapitan.
Nang kinabukasang iyon ay dapat sanang siya'y sumasaligaya, kung
matatawag na kaligayahan din ang magpasasa sa kagandahan n~g isang
babaying napilit lamang.
iKay daling humalay n~g kapalaran at kay daling magbago n~g kulay n~g
isang pag-asa!
* * * * *
N~guni't ?saan napatun~go si Benita?
Ito ang alamin natin.
--Lalong mabuti--ang wika n~g binatang tulisan n~g makita na ang
dalaga'y nawalan n~g diwa, at masabi ang gayo'y kinandong at inilabas
sa bintana.
Apat na lalaking kasama ni Pating ang sumalo sa pan~gahas na kapitan
at matapos na makasakay sa kabayo ay sinapupo ang binibini.
--N~gayon Pating--ang wika n~g kapitan sa kaniyang matandang kabig--ay
dapat mo nang sundin ang pan~galawang bahagi n~g aking m~ga utos at
nasa kong tanglawan n~g isang sulong malaki ang aking pagdadaanang
lansan~gan sa pagdadala nitong mayamang pasanin.
Ang salitaang ito'y nangyari sa dakong likuran n~g bahay ni tininting
Mone
|