FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  
wan at ito'y nabuksan upang makaraan ang katawan n~g isang binata. --iOh!--ani Benita at waring tatakbo n~gunit natigilan, at sa pagkagulat ay nawalan n~g diwa. Sandali na lamang sana't natupad n~g binibini ang nasang pagpapatiwakal. --Lalong mabuti--ang wika sa sarili n~g pan~gahas na pumasok sa durun~gawan, na dili iba't ang binatang tinawag na kapitan ni matandang Pating.--Lalong mabuti ang ganito at walang sagabal sa pagdadala. Nang matapos na masulatan ang kaputol na papel na iniwan sa ibabaw n~g altar ay kinandong ang katawan n~g nabulagtang dalaga at inilabas sa durun~gawan. Iwan natin siya na dala ang mayamang pasan at ang ipatuloy ay ang pagsasalaysay n~g nangyayari sa kabahayan. * * * * * Tumugtog ang ika apat at kalahati at ang m~ga gawain ay lalong nag ulol sapagka't nagdatin~gan na ang novio at ilang panaohin. Isa't isa'y nagaalay n~g maligayang bati sa matandang mapalad na magaari sa kagandahan ni Benita. Si matandang Moneng ay hindi magkasiya sa katuwaan; at n~g masalubong ang m~ga huling dumating ay lumapit sa pinto n~g silid at tumugtog dahil oras na n~g pagbibihis n~g ikakasal. Kinatog ang pintuan, n~guni't walang sumagot; kinatog na muli at gayon din. --Baka po nakakatulog pa.--ani kapitang Ape, na dili iba't siyang magiging asawa. --Inyo pong tawagan--ang payo naman n~g isa. --iBenita! iBenita!--anang ama na kasabay ang katog. Wala ring tumutugon sa loob. --iBenita! ang halos sigaw ni tininting Moneng na may munti n~g galit dahil sa baka uulitin na naman n~g kaniyang anak ang pagpapahayag n~g hindi pagsang-ayon sa kasalang iyon. Wala n~g oras na ipagaantay, sapagka't magliliwanag na at ang pari marahil ay nakahanda na rin. --iBenita!--ang sigaw n~g amang nagagalit at biglang itinulak ang pintong nakalapat. Nasira ang _cerradura_ at ang dalawang dahon n~g pinto ay nabukas. Ang lahat ay nagitla, n~guni't ang pagkamangha ay nagtalo n~g matanaw na walang tao ang silid. Lahat ay patakbong pumasok sa pook na iyon datapwa't walang natagpuan kundi isang botellitang may tatak na _arsenico_ at ang dalawang sulat na kilala na n~g bumabasa ang laman n~g isa, sapagka't siyang sinulat ni Benita bago nagtankang magpakamatay, at ang isa naman ay ganito ang nasusulat: "Sa _lakas_ n~g pilak ay mayroon pang dumadaig; ang _lakas_ n~g _lakas_.==Juan Masili". --iJuan Masili! Ang hari n~g m~ga tulisan--ang bulong na bumukal sa lahat n~
PREV.   NEXT  
|<   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  



Top keywords:
iBenita
 

walang

 
matandang
 
sapagka
 

Benita

 

ganito

 

siyang

 

dalawang

 

Moneng

 
pumasok

katawan

 

Masili

 
Lalong
 
mabuti
 
dumadaig
 

tumutugon

 
mayroon
 
kaniyang
 

pagpapahayag

 

uulitin


tininting

 

magiging

 

bulong

 

bumukal

 

nakakatulog

 
kapitang
 
pagsang
 

kasabay

 

tawagan

 

tulisan


matanaw
 
patakbong
 

nagtalo

 

pagkamangha

 
nagitla
 
sinulat
 

arsenico

 

natagpuan

 

datapwa

 
bumabasa

kilala

 

nabukas

 

magliliwanag

 
marahil
 

nakahanda

 
ipagaantay
 

magpakamatay

 

botellitang

 

nasusulat

 

kasalang