ay n~g takip sa mukha ang ating binata.
Ang pinasukan ay isang pook na nakukulong n~g bato at ang tan~ging
nilulusutan n~g han~gin ay isang butas sa bubun~gan na may limang
dipa ang taas. Isang tinghoy na nakasabit n~g mataas ang tan~ging
tumatanglaw sa pook na iyon na kinalalagyan n~g isang bagong taong
biglang nagulat at nagising dahil sa kaluskos n~g m~ga nagsipasok.
--Wala kayong m~ga damdaming lalaki--ang wika n~g dinatnan, na wari'y
may talagang malaking kagalitan sa m~ga kaharap.
--Masasabi mo ang ibig sabihin at hindi ka namin papatulan; alam mong
sa gaya naming may pamumuhay n~g ganito ay walang kabuluhan ang buhay;
ikaw ay isang kaawaawang nagnanasang magpatiwakal ?at dahil sa ano?
--Sa dahilang hindi kailan~gang matanto n~g iba--anang napipiit.
--Hindi n~ga kailan~gang matanto ng iba, datapwa't alam ko ang sanhi,
at dahil doo'y humadlang ako sa han~gad mong pagpapakamatay. Ang wika
mo'y wala akong damdamin; namamali ka.
--Kung mayroon kang damdamin ?ano't di mo payagang bigyan kong hangan
yaring pagkataong naubusan na n~g pag-asa? ?Ano ang masakit sa iyo
kung ako'y mamatay o mabuhay?
--?Naubusan ka n~g pagasa? Alam ko, na dahil sa pagkamatay n~g iyong
ama ay nagisa ka na sa mundo at lubos kang naghirap sapagka't ang
taong pinagkatiwalaan n~g magulang mo upang pasapitin sa iyong kamay
ang kayamanang pamana ay nagtaksil, at ninakaw ang salaping dapat
sanang ibigay sa iyo; hindi lamang iyon; sumapit ang isang panahon na
ikaw ay napalulong sa pagirog at ang iyong inibig ay tinankang agawin
n~g ...
--Hindi lamang tinanka--anang bagong-taong kausap--kundi sa m~ga
sandaling ito'y nilalasap na marahil n~g matandang mayaman sa
kandun~gan n~g aking giliw, ang tamis n~g kaligayahan. iOh, kay hirap
n~g mahirap! Ikaw marahil ay inupahan n~g taksil na umagaw sa aking
pagirog upang sumalansang sa aking han~gad at n~g maragdagan pa ang
talagang kapaitan n~g pagkabatid na naglilo sa kaniyang pan~gako ang
babaying pinaglaanan n~g boong buhay. N~gayon ay inaantay kong ibalita
mo sa akin kung naganap na ang kasal ni Benita kay kapitang Ape.
Ang pinuno n~g tulisan ay napan~giti sa salitang iyon n~g kaharap.
--Hindi ka ba nananan~gan sa Dios?
--Walang Dios ang mahirap--ang tugon n~g may nasang magpatiwakal.
--?Hindi ka na umaasa sa pagibig n~g iyong sinta?
--?May pagibig bagang maaasahan sa katawang walang puso?
--?Hindi ka naniniwalang may kabihisang lan~git ang naghihirap?
--Hindi, sapagka't ang l
|