natakbo ang sinasakyang kabayo
na wari'y hindi nagiindang kapagalan sa bigat na dala.
* * * * *
Ang yun~gib n~g bundok S. Mateo ay tahimik at walang gumagambala sa
kaniyang kapanglawan liban sa ang lagaslas n~g m~ga san~ga at dahon
n~g kakahuyan na pinagagalaw n~g simuy na malumanay n~g han~gin sa
paguumaga. Sino mang malalapit sa pook na iyon ay magsasabing wala
isa mang tao, n~guni't kung mamataan ang isang sulok n~g yun~gib ay
makikita na may isang nakapan~galunkot.
Walang ano ano'y biglang tumindig ang bantay at waring may pinakingan.
--Narito na sila--ang sabi sa sarili n~g taong nagiisa sa kasukalang
iyon na walang ibang dumadalaw liban sa m~ga hayop n~g kagubatan.
Hindi pa man halos natatapos ang kaniyang pagsasalita ay siyang
pagdating n~g nan~gan~gabayo.
--Wala pong ano man--ang wika n~g dinatnan.
--Tulungan mo ako--anang binata--at iniabot ang maganda niyang dalahin
na hindi pa pinagsasaulan n~g hinin~ga--ating ilagay sa dati kong
tinutulugan.
Ang dalawa'y pumasok sa loob n~g yun~gib at n~g napapaloob na nang
mahigit sa dalawang pung dipa sa pintuan ay pinisil n~g binata ang
isang un~gos n~g bato.
Nakadin~gig n~g lagitik na wari'y gawa n~g isang bagay na mabigat at
biglang nabuksan ang malapad na batong hindi makikita n~g sino mang
hindi nakatataho n~g lihim na iyon.
Pumasok ang magkatuwang at inilapag n~g marahan ang dalaga sa isang
hihigan.
--?Ang iyong binabantayan?--ang tanong sa kasama n~g pinuno ng
tulisan.
--Nakakatulog pa po sapagka't gabi na n~g magpahin~ga, sa dahilang
wari'y malaki ang han~gad na huwag na siyang umagahing buhay.
--Ipinainom mo ang ibinigay ko sa iyong tubig?
--Hindi po, dahil sa hindi kumain.
--Kung gayon ay magbalik ka na sa iyong pagbabantay sa pinto at bayaan
mo akong mag-isa; patuluyin mo agad si Pating.
Ang pan~galang sinambit ay naging wari isang tawag sapagka't siyang
pagdating n~g matandang tulisan, kaya't ang inuutusan ay bumalik na
lamang sa pinto n~g yun~gib.
--Mabuti n~ga't dumating ka; ating tingnan ang dating bilango.
--Malaon na pong hindi pinagsasaulan ito--ang wika ni Pating n~g
makita si Benita.
--Bayaan mo't hindi iyan magigising hangang hindi ko ibig: pinaamoy ko
n~g pangpatulog.
Masabi ang gayon ay tinun~go nilang dalawa ang sungki n~g isang bato
at pumasok sa isang puang na hindi mahahalata n~g isang hindi bihasa
sa pook na iyon. Nang makapasok na't makapan~gabila sa bato ay
naglag
|