FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  
angit ay bukas lamang sa m~ga may pilak. --iTaong walang panalig! Sumunod ka sa akin at n~g matanto mong ikaw ay nagkamali sa lahat n~g iyong hinaka. --Sukat na--ang tugon n~g bilango--kung papayagan mong ako'y magpatiwakal ay susunod ako sa iyo, n~guni't kung hindi, ay bayaan mo na akong magpakamatay dito sa gutom. --Siya, ikaw ang bahala--anang pinuno n~g tulisan--kung ibig mo ang magpakamatay ay gawin mo, n~guni't sumama ka sa akin. --Kung gayon ay oo.--ang sagot nang bilango at tumindig sa kinauupan. Kinalag ni Pating ang tanikalang nakapipigil sa binata at ito'y sumunod sa pinuno n~g tulisan na tumun~go sa kinalalagyan ni Benita. --Ibig mo ang magbigti--anya sa bagong kawala--n~gayo'y tinutulutan na kita, n~guni't sa tabi ng babaying iyan ka dapat magpakamatay sapagka't siya man ay nagnasa ring magpatiwakal n~g dahil sa iyo. Ang binata'y napaluhod sa piling ng dalaga't biglang napasigaw nang: --iBenita! iAking irog! iOh, patay!--anya n~g makitang hindi kumikilos. --Hindi--anang tulisan--natutulog lamang. Masabi ang gayon ay winiligan n~g kaunting tubig ang mukha n~g dalaga at ito nama'y nagising. --?Saan ako naroroon?--aniya. --iItang!--anang binata. --iEnrique!--ani Benita n~g makilala ang kaharap--iAking buhay! --iAking irog! Ang dalawang dibdib na naghirap ay nan~gagpahin~galay sa isang mahigpit na yakap. --Hindi ka ba nagpatiwakal?--ang tanong ni Benita sa kaniyang giliw. --Hindi ka ba napakasal?--anang binata. --Hindi--ang sagot n~g tulisan--sapagka't humadlang ako, upang sumapit ang sandaling ito, na ikagaganti ko sa isang malaking utang. Ako ang sumulat kay Benita, ako ang nagpapadala sa iyo Enrique n~g salaping hindi mo matalos kung saan nangagaling niyong ikaw ay nasasalat, ako ang sumalansang sa pagpapatiwakal mo, ako ang numakaw kay Benita bago sumapit ang oras na pag-inom niya n~g lason, at sa isang sabi, ako ang nagnakaw n~g kayamanan ni kapitang Ape. --At sino ang makagagawa n~g gayon?--ang halos panaba'y na tanong n~g dalawa. --Si Juan Masili--anang tulisan at inalis ang takip n~g mukha. --iSi Pedro!--ang wika ni Enrique. --Oo n~ga: ako ang Pedro mong kaibigan at kapatid na inampon n~g iyong magulang niyong magisa na sa mundo, n~guni't sa bundok ay ako ang Juan Masili. Nang kinabukasan ay tumangap si tininting Moneng n~g isang lihim na pabalita na ang kaniyang anak na dalaga ay na sa Colegio n~g Concordia at doon mangagaling bago ikasal kay Enrique
PREV.   NEXT  
|<   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  



Top keywords:
tulisan
 

Benita

 
binata
 
iAking
 

dalaga

 

Enrique

 

magpakamatay

 

niyong

 

kaniyang

 
pinuno

tanong

 

bilango

 
magpatiwakal
 
lamang
 
sapagka
 

Masili

 
sumapit
 
matalos
 

gagpahin

 

pagpapatiwakal


numakaw

 

sumalansang

 

nasasalat

 

nangagaling

 

salaping

 
nagpatiwakal
 
ikagaganti
 

napakasal

 

sandaling

 

humadlang


malaking
 
nagpapadala
 

mahigpit

 

sumulat

 
dalawa
 
bundok
 

kinabukasan

 

tumangap

 

magisa

 
kapatid

inampon

 

magulang

 

tininting

 
Concordia
 

mangagaling

 
ikasal
 

Colegio

 

Moneng

 

pabalita

 

kaibigan