matanda. Ilang salitaan
ang nabuksan at sa isang paguusap n~g ukol sa m~ga bayanbayan ay
napasalin~git ang pagkakakilala na kami'y magkababayan.
--Iyan man po'y kababayan din natin--ang turing n~g anak ng nagampon
sa akin at itinuro ako sa mantanda.
--?Ito?--ang tanong na wari'y may munting pagkakamangha n~g kinausap
at ako'y pinagmasdan--tila n~ga naaalala ko ang mukhang ito ?nagaaral
din bang kasama ninyo?
--Opo ang tugon n~g aking kasama--iyan po ang anak ni mang Pitong at
ni aling Mensia.
--iPitong, Mensia!--anang--matanda na wari'y hinahalungkat sa kaniyang
pagiisip ang gayong m~ga pan~galan--iAh! naalala ko na, kung gayon ay
ito ang anak ng nagnasang mangloob sa akin.
Nang madin~gig ang sabing iyon ay nalito ako, ang lahat n~g dugo ko
mandin ay sumulak sa aking mukha at ang noo ko'y nagalab.
Sa isang kisap mata halos ay tuminbuang ang matanda sa tabi n~g
dulang dahil sa sugat na gawa n~g sundang na kagamitan sa pagkain.
Ang sumunod na bumulagta sa isa pang saksak ay ang anak na nagnasang
magsangalang sa ama.
Pagkatapos niyon, ako'y nagtatakbo na hindi alam kun saan tutun~go, at
daig ko pa ang ulol.
Ako'y hindi nahuli at nakarating ako sa Novaliches n~g gabi ring yaon.
Nang kinamakalawahan ay isa na ako sa inyo at magmula niyon ay ...
--Nagbago ang palakad--ang putol ni Pating--magmula niyon ay dumalang
na ang panghaharang sa m~ga daanan, n~guni't lumimit ang paghahati n~g
m~ga salaping nagagahis sa pangloloob. Magmula noo'y bayan ang tirahan
n~g lahat, ang bundok ay naging isang tagpuan n~g m~ga magkakasama at
ang yun~gib na dating tahanan n~g m~ga pinaguusig n~g civil ay naging
tahanan n~g m~ga binibining binibihag, na matapos maalagaang wari'y
m~ga _princesa_ ay pinauuwing hindi man pinakikinaban~gan n~g
sino man sa atin at wala mang tubos. Itong ating inaabatan n~gayon na
ilang sandali na lamang at ikakasal, ay babantayan na naman marahil at
pagkatapos ay ibabalik na muli sa kaniyang magulang n~g ... walang ano
man.
--Ang gayon ay hindi dapat ipagdamdam n~g isa man sa inyo, sapagka't
kahit hindi ko hinihin~gan n~g tubos ang m~ga binibining binibihag ay
hindi naman nawawala ang inyong kahati sa pagpapagod.
--Oo, n~ga po; n~guni't ang dinaramdam naming lahat ay ang hindi mo
man lamang pinakikinaban~gan ang m~ga bihag na iyan, dahil sa kung
makaraan ang dalawang araw sa pagkakapiit at matanong mo kung may isa
man lamang na lumapastan~gan, umaglahi o nagkulang sa balang nasabi ay
pakakawa
|