FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  
raniwan ang paniwala sa gayon, lalong lalo na sa m~ga kabataan dahil sa m~ga na didin~gig sa matatanda. Wala n~g luhang tumutulo sa aking m~ga mata, sampu niyang mapait na yaman n~g ating panin~gin na wari'y nagpapaginhawa n~g kaunti kung dumaloy ay nagkait na sa aking kapighatian, sapagka't sa dalawang araw na itinan~gis ay natuyo na mandin, iGaano ang sising bumukal sa aking bibig, sa dahilang ako'y hindi pa malaki! iHiganti at higanti ang sumusulak sa aking dibdib! Higanti sa mayamang gumaga sa aming pagaari at humalay sa puri ni ina; higanti sa m~ga _justiciang_ hindi nagtangol sa nilupigan, kundi bagkus nagpahirap sa naapi. Nang ako'y aalis na sa aming bahay ay siyang pagdating n~g isang taong nagsalita sa akin n~g ganito: --?Ikaw ba amang ang anak ni mang Mundo? --Opo. --Nabatid kong lahat ang nangyari sa inyong magaanak at natanto ko rin na ikaw ay ulila n~g lubos. Ako ang naglibing sa bankay n~g iyong ina. --iOh salamat po.--ang wika kong kasabay ang pagkakaluhod sa harapan n~g taong iyon. --Ikaw ay walang kamaganakan dito, sapagka't ang m~ga magulang mo'y taga S. Jose sa Morong ?ibig mo bang sumama sa anak ko sa Maynila upang mag-aral doon? Ikaw ay hindi ko ibibilang na alila, kundi pinakakasama lamang n~g aking anak; ikaw may magaaral din. Sa laki n~g utang na loob ko sa taong iyon ay hindi ako nakasagot, n~g ayaw kahit lubos na nalalaban sa loob ko ang maging utusan. Pinasalamatan ko ang himok na iyon at ako'y sumama. Man~ga ilang araw lamang ang nakaraan, at, iyong batang patay gutom, iyong ulilang walang kamag-anak ay naging isang nagaaral sa S. Juan de Letran at kasakasama kahit saan pumaroon ng isang kapwa batang anak ng matandang maawain. Hindi alilang utusan ang kanyang lagay kundi isang anak din n~g nagaampon at kapatid n~g kaniyang anak. Nagdaan ang pitong taon, at sa panahong iyon mandin ay naparam sa alaala ko an~g aking karukhaan at ang kahapishapis na kinahinatnan niyong m~ga sawing palad kong magulang at nakatulog wari sa loob n~g aking batang puso iyong higanting halos sinunpaan ko sa sarili. Datapwa't dumating ang isang araw na kaming dalawang nagaaral ay naanyayahang dumalo sa isang piging sa daang Dulumbayan sa Maynila at doon ay dumalo rin ang isang kasama namin sa Colegio na kaakbay ang kaniyang ama, na, mula n~g dumating ay waring pumasok sa loob kong ang pagmumukhang iyon ay aking naaalala. Inanyayahan kaming kumain at sa paguupuan sa dulang ay napasiping sa akin ang
PREV.   NEXT  
|<   5   6   7   8   9   10   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   >>  



Top keywords:
batang
 

utusan

 
dalawang
 
mandin
 

kaniyang

 

nagaaral

 

higanti

 

sapagka

 

magulang

 
walang

lamang

 

Maynila

 
sumama
 
dumalo
 
dumating
 

kaming

 
naging
 
pinakakasama
 

nakasagot

 

maging


nalalaban

 

ibibilang

 

Pinasalamatan

 

ulilang

 

nakaraan

 
Letran
 
magaaral
 

kapatid

 

piging

 

Dulumbayan


kasama
 
naanyayahang
 

Datapwa

 

higanting

 
sinunpaan
 
sarili
 

Colegio

 

kaakbay

 

kumain

 
Inanyayahan

paguupuan

 

dulang

 

napasiping

 
naaalala
 

pagmumukhang

 
waring
 

pumasok

 

nakatulog

 

kanyang

 

alilang