lan mo na't pababalikin sa kaniyang bahay na may kaakbay pang
magsasangalang sa paglakad hangang sa makarating sa kanila. Kung gayon
ay ?bakit pa nagbabayo at nagsasaing kung hindi din lamang kakanin?
-iAh ...matanda kong Pating! ?Nalalaman mo baga kung bakit ako
nangbibihag n~g m~ga binibining anak n~g mayayaman? Upang malasap n~g
m~ga mayayamang iyan ang pait n~g magdamdam n~g dahil sa kapurihan.
Lahat n~g makaalam n~g pagkabihag sa isang binibini'y magsasapantaha
na hindi na dapat asahang mauuwi na taglay ang linis na dating kipkip,
kahit tunay na alam mong kung sakali't may dalagang nagluwat n~g apat
na araw sa ating yun~gib ay hindi dahil sa ating pinipiit o dahil sa
ikinahihiya niya ang mabalik sa sariling tahanan, sapagka't wala na
ang kaniyang kalinisan, kundi dahil sa talagang nasa lamang n~g may
katawan ang lumagi pa n~g isang araw sa ating tahanan.
--iOh! hindi mo lamang po batid kapitan ang sanhi ng ipinagkakagayon.
Tunay at sila'y ating iginagalang at walang makapan~gahas na umaglahi
man lamang dahil sa pan~gin~gilag sa inyo, n~guni't ang gayon ay
?makapipigil kaya na ikaw ay ibigin n~g dalagang nabihagan n~g puso?
at ito ang sanhi n~g kanilang hindi pagbalik na kusa sa sariling
tahanan; at kung hindi dahil sa n~galang pagirog ?mangyayari pa
kayang tayo'y makatahan sa yun~gib na iyon sa karamihan n~g dalagang
nakaaalam, sa dahilang hindi naman natin tinatakpan ang m~ga mata kung
pauwiin? ?At ano ang sanhi n~g pagkaalam natin n~g m~ga nangyayari sa
bayanbayan sa pamagitan n~g m~ga Ichay, Marcela, Juana, Cion at iba
pa? Hindi mo lamang alam ginoong capitan na ang m~ga binibining ating
pinawawalan ay piit din kahit na mabalik sa kanilang tahanan. Itong
sasalakayin natin n~gayon ay ?isa rin kayang titinagin at pagkatapos
ay pauuwiin?
--Hindi. Itong sa n~gayon ay hindi bibihagin kundi ililigtas sa m~ga
kamay n~g ganid na magulang na pinipilit ang anak na pakasal sa
hindi iniirog, n~g dahil lamang sa paglin~gap sa yaman n~g magiging
manugang.
--?Ay ano po ang mayroon sa atin sakaling mangyari man ang gayon?
--Wala n~ga kung sa bagay, n~guni't ibig kong ipabatid sa m~ga
masasakim na iyan na kung silang m~ga tulisang bayan ay may kalakasang
makapawi n~g isang damdaming tinataglay sa puso n~g isang umiibig ay
may tulisang bundok namang may lalo pang lakas upang makapagsangalang
sa m~ga naaapi't nalulupigan. Ang binatang magbibigti sana kung hindi
natin natagpuan, at nakukulong n~gayon sa ating yun~gib ay s
|