ng tanong.
--?Ano iyon?
--?Ano't hindi pa po natin utasin ang taong nakukulong sa ating
yun~gib?
--iMatandang Pating! ang buhay n~g taong iyan ay mahal sa akin--ang
sabing matigas n~g ating binata--at ang sumaling sa kahit isa niyang
buhok ay magkakamit n~g kaparusahang ikadadala sa boong buhay.
?Nalalaman mo kung sino ang taong iyan?
--Patawarin mo po ako capitan sa aking sinabi sapagka't ang nagduyok
sa akin sa pagtuturing ay ang han~gad na mawalan tayo n~g isang
binabantayan at ikaw po naman ay maalisan n~g kagambalaan.
--?Alam mo ba matandang Pating kung bakit ako napalulong sa pamumuhay
na itong lubhang maligalig?
--Hindi po; at wala akong nalalaman, liban sa, ikaw po'y nakisama sa
amin at n~g mahuli ni Villa-Abrille ang ating pamunuang si Tankad ay
ikaw ang kinilalang kapitan n~g lahat n~g tao.
--Kung gayo'y pakingan mo at itanim sa puso ang aking isasalaysay.
Munting huminto ang nagsasalita; at n~g matapos na mahaplos ang
kaniyang noo na dinalaw mandin n~g isang pag-uulap ay itinuloy ang
pagsasaysay.
* * * * *
--Ako'y anak n~g isang dukha sa bayan n~g X ... at ang kabataan ko'y
nan~gabay sa maralitang tahanan, na, kahit dampa ay hindi sinisilayan
kailan pa man n~g kahapisan, sa pagka't ang kaligayahan nang isang
tunay na pagmamahalan ni ama't ni ina'y siyang tan~ging naghahari sa
aming kubo. Datapwa't sumapit ang isang araw, ako niyon ay may labing
dalawang taon na at marunong n~g bumasa at sumulat n~g kaunti, na si
ama'y nagkasakit at sa dahilang kami'y mahirap ay inutusan si ina
na sin~gilin sa isang nagn~gan~galang kapitang Tiago, ang kulang sa
kabayaran n~g dalawang pung kabang palay. Si ina'y umalis sa amin
n~g magtatakipsilim at tumun~go sa bahay n~g mayamang sisin~gilin,
n~guni't nakatugtog na ang _animas_ ay hindi pa dumarating kaya't
sa kainipan ni ama'y pinasalunuan sa akin. iOh! n~g ako'y papanaog
na sa aming bahay ay siyang pagdating ni ina, na humahagulgol at
ang pananamit ay halos gulagulanit. Aywan ko kung ano ang nangyari,
n~guni't n~g dumating ay napaluhod sa harapan ni tatay na kasabay ang
sigaw na: "Ayokong pumayag, ayoko, datapwa't pinagtulun~gan ako n~g
pan~ginoon at dalawang alilang lalaki; ako'y inahiga ni kapitang
Tiago at ... ayoko; ayoko." Si ina'y ay ulol n~g umuwi. Sa laki n~g
kasawiang dinanas ay hindi nakatagal at natimbwang na walang diwa sa
sahig n~g aming bahay. Nang makita ang gayon ni ama at maunawa ang
nangyari ay nagban~
|