Project Gutenberg's Juan Masili o Ang pinuno ng tulisan, by Patricio Mariano
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Juan Masili o Ang pinuno ng tulisan
Author: Patricio Mariano
Release Date: August 29, 2004 [EBook #13320]
Language: Tagalog
Character set encoding: ASCII
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK JUAN MASILI O ANG PINUNO NG ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by
University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]
=PAT. MARIANO.
JUAN MASILI=
O
=Ang pinuno n~g tulisan=
MAYNILA
LIBRERIA. LUZONICA
_Carriedo num. 101.--Sta. Cruz._
=1906.=
JUAN MASILI
O
ANG PINUNO N~G TULISAN
Ang bayan n~g S. Jose at kanyang m~ga nayon n~g lalawigang Morong ay
balot katahimikan at ang kadiliman ay naghahari sa m~ga lansan~gan,
kaparan~gan at m~ga bulu-bundukin.
Walang gumagambala sa piping kapanglawan n~g gabing nangyari ang
simula n~g kasaysayang ito, liban sa tilaukan n~g m~ga manok na
nagsasabing ang sandaling iyon ay hating gabi.
Walang ano ano, sa gitna n~g katahimikan ay nadin~gig ang yabag n~g
isang kabayo sa may hulo n~g nayong Masantol na nalalayo sa bayan n~g
may m~ga limang libong dipa.
Ang takbong matulin n~g kabayo'y humina n~g nalalapit na sa nayon,
at n~g natatanaw na ang unang bahay ay huminto at ang nakasakay ay
lumunsad.
Kung pagmamalasing mabuti ang anyo n~g naglalakbay na iyon sa hating
gabi ay makikita, na, siya'y isang binatang lumabas pumasok sa
dalawang pu't dalawang taon; ang kanyang pagmumukhang nasan~gag sa
init n~g araw ay nagpapahayag n~g isang kalamigang loob na may halong
katalaghayang makaaakit sa sino mang makakaharap; datapwa't ang
kaniyang magandang tindig, ang anyo niyang banayad at ang kaliwanagan
n~g kaniyang noo na wari'y nagsasabing hindi naugali sa pagyuko,
ay nalalaban mandin sa kanyang kagayakan na binubuo n~g isang
_mambisa_ at _pantalong_ kulay abo, salakot na may palamuting
g
|