nalagdang totoo't
pauang naaayon tanang articulo
sa tanang tagalog, Fraile siyang talo.
Baquit ang isa pa naquiayong tunay
isang tubo rito na naguing general
D. Jose Orosco Zuniga ang n~galan
at iba pa n~gani na may catungculan.
Na sina D. Juan Zaenz de Vismanos[1]
Jose Ochoteco[2], Rafael[3] na bantog
Garcia Lopez n~gani ang pan~galang lubos
n~g m~ga nag-usig na pauang tagalog.
Sa pagtulong nito na lubhang malihim,
ang lahat n~g Fraile ay di napatiguil,
lalong inululan n~g galit na tambing
sa dalauang ito na Regidor natin.
Lalong lalo na n~ga n~g sila'y lantacan
sa diariong "Discucion"[4] halos arao arao
n~g binatang Manuel, Fraileng calahatan
lalong nan~gag-usig panalo'y macamtan.
Dito na si Burgos cusang sumulat na
ilang "articulong" casagutan baga
sa lagdang sinulat n~g Fraileng si Coriang
naquiquipagtalo mag-uagui ang pita.
Sa usaping ito n~g cusang malaman,
ang ating si Burgos dito ay capisan,
ang lahat n~g Fraile lubos n~g tumahan,
tinimpi sa loob yaong cagalitan.
Dito na umusbong sa canilang dibdib
si Jose Burgos n~ga ay sinumpang tiquis
at paghigantihan gauan niyaong pan~git
lihim na pacana na asal balauis.
Baga ma't gayon na ay cusang tumiguil
ang lahat n~g Fraile sa gayong usapin,
di rin naampat at napatuloy rin
sapagca't tumauid sa lupain natin.
Sa boong lauigan nitong Filipinas
caguluhang ito cusang lumaganap
dahil sa ang lahat na Fraileng dulin~gas
ay pauang nagbago n~g ugaling in~gat.
Yaong pan~gan~gamcam siyang natutuhan
nang lupa at buquid sa catagaluga't
cusang pataasin ang dating cabuisan
n~g m~ga hacienda na atin di't tunay.
Caya siyang mula n~g panghihimagsic
niyaong si Eduardo Camerinong sulit
na taga Caviteng nahalal na tiquis
pan~gulo sa hocbo na pauang nilupig.
Isa pang casama ni Eduardong hirang
ay yaong si Luis Parang ang pan~galan
na siyang namuno sa bayan n~g Tan~guay
n~g paghihimagsic sa Fraileng sucaban.
Ang bayan n~g Imus noo'y gulongulo
sapagca't nacuha nitong si Eduardo
caya't n~g mahuli ang dalauang "lego"
sa "casa hacienda" binitay n~ga nito.
N~g ito'y matanto n~g bunying general
nagulo ang diua caya't naisipan
tumauag n~g pulong sa lahat n~g mahal
na m~ga tagalog n~g ito'y mahusay.
Pagca't yaong gulo lubhang malaqui na
di na naapula ano mang gauin niya,
hangang sa inabot ang "casa
|