FREE BOOKS

Author's List




PREV.   NEXT  
|<   20   21   22   23   24   25   26   27   28   29   30   >>  
m. Caya pa n~ga ito nang maalamang lubos nang m~ga clerigong nasabi cong puspos suot lalaqui na sa bay-uang may sucsoc nang isang magara't mainam na guloc. Ang bagay na ito dapat n~gang pagmasdan at tularan sana nang babayeng tanan man~ga filipinang aquing cababayan marunong umibig sa tinubuang bayan. Ang bagay na ito ay iiuan co na at ang sasabihin madaling umaga nang arao nang saquit binatbat nang dusa ang apat n~gang ito bibitaing sadya. Ito't hindi iba di dapat limutin mapanglao na arao na calaguim-laguim dalauang puo't ualo ang bilang na tambing nang Febrerong buan sa sabi at turing. Nang mag a las seis ang lahat n~g caual nang man~ga castila cusang pinatahan sa Santa Lucia n~ga at sa Bagumbayan na pauang barilan at may canong taglay. Saca sa muralla nang Fuerza Santiago ang hocbong castilang man~ga artillero pauang naca-abang sa maguiguing gulo na nababalita sa panahong ito. Nang cusang sumapit a las sieteng oras yaong bibitayang binacod na cagyat nang man~ga sundalo na dala't aquibat nang Segundo Cabo Espinar na hayag. Bitayang nasabi itinayong tunay doon sa Espaldon pooc na malumbay at may sampuong metro yaong cataasan sa lupang tuntun~gan sa sabi at saysay. Ang tugtog nang tambor at m~ga corneta dito na minulan na hinipan baga casabay ang ayos nang man~ga musica sa tinig nang marcha ang pagcacabadya. Dito na quinuha ang na sa Capilla apat na taan na namamatay baga, ang man~ga sundalo nagbihis de gala saca n~ga barilan na may bayoneta. Casama sa lacad ang m~ga Cofradia nang Misericordia na caacbay baga tanang Comunidad nang Religion Santa nang Poong si Cristong sumacop sa sala. Si Miguel Zaldua ang una sa lahat cusang inalacad balot niyaong posas isang Franciscano at Recoletong cagyat siyang caagapay na cumacausap. Saca ang casunod yaong isang lupong sari-saring orden nang fraileng pulutong dalauang Jesuita na capulong-pulong ni Padre Zamora na nagcura Rector. Isang Agustino at Recoleto naman ang siyang casunod cusang umaacbay sa cay Padre Gomez na nagcura naman at Examinador Vicario sa Tan~guay. Cahuli-hulihan ay si padre Burgos na ina-acbayan nang dalauang puspos na m~ga Jesuitang natauag sa Dios na nananalan~gin nang lubhang tibobos. Baua't isa n~gani sa apat na ito ay binabantayan apat na sundalo
PREV.   NEXT  
|<   20   21   22   23   24   25   26   27   28   29   30   >>  



Top keywords:

cusang

 
dalauang
 

sundalo

 

barilan

 

cagyat

 
casunod
 
pauang
 
nagcura
 

siyang

 

puspos


nasabi

 
caacbay
 

Cofradia

 
Miguel
 

Misericordia

 
tanang
 

sumacop

 

Religion

 

Cristong

 

Comunidad


casabay

 
hinipan
 

musica

 
minulan
 

saysay

 

tugtog

 
tambor
 
corneta
 

marcha

 

pagcacabadya


bayoneta

 

Casama

 
nagbihis
 

namamatay

 

quinuha

 
Capilla
 

Zaldua

 

lupong

 

hulihan

 
Cahuli

Burgos

 

Examinador

 

Vicario

 

acbayan

 

Jesuitang

 

binabantayan

 
tibobos
 

lubhang

 
natauag
 

nananalan