The Project Gutenberg EBook of Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos
by Honorio Lopez
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos
Author: Honorio Lopez
Release Date: August 20, 2004 [EBook #13233]
Language: Tagalog
Character set encoding: ASCII
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG TUNAY NA BUHAY NI P. DR. ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by
University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]
ANG TUNAY NA BUHAY
NI
P. Dr. JOSE BURGOS
=at nang man~ga nacasama niya=
=na sina P. Jacinto Zamora,=
=P. Mariano Gomez at ang=
=nadayang Miguel=
=Zaldua=
SINULAT NI HONORIO LOPEZ
Periodistang tagalog, Director artistico sa _Kapisanan_ nang man~ga
autores lirico-dramatico _La Juventud Filipina_ at Autor nang maraming
casulatan: Kalendario, istoria, biografia, etc., etc.
=ICALAUANG PAGCAHAYAG.=
MAYNILA: 1912.
=IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA=
NI
=J. MARTINEZ.=
_Plaza Moraga 34-36, Plaza Calderon 108 at Estraude 7, Binundok._
=Ang ala-alang handog=
_Sa cay P. Dr. Jose Burgos (30 taon), P. Jacinto Zamora (35 taon),
P. Mariano Gomez (85 taon) at sa nadamay na si Miguel Zaldua, lubos
na dinaya nang man~ga fraile, inihahandog co itong abang ala-ala,
sa canilang pagcamatay sa bibitayang itinayo sa pooc nang Espaldon o
Bagumbayan nang ica 28 nang Febrero nang 1872._
_HONORIO LOPEZ_.
[Larawan: P. DR. JOSE BURGOS.]
=Sa man~ga nanasang liyag=
PASIMULA
Sa tapat n~g nasang namuco sa dibdib,
tapat na pagsintang namahay sa isip
na maipahayag canilang sinapit,
tanang guni-guni'y linupig na tiquis.
Cusang pinatuloy tumiim sa hagap
ang pinanghauacan ang nanasang liag
may ganap na bait camahalang in~gat,
macapagpupuno sa caculan~gang lahat.
Ito n~ga't hindi iba tunay dinaanan
n~g canilang "buhay" sa Mundong ibabao,
na cusang natapos sa abang
|