ang Navotas n~g bunying general
sa pinamansagang balitang tulisan
na si Camerino at si Luis Parang.
Ang lahat n~g Fraile noo'y nan~gag-galac
pagca't napayapa caguluhang cagyat,
at tanang "hacienda" nilang ini-in~gat,
ay muling babalic na di magluluat.
Baga ma't sila'y cusang nagastahan
nag-gugol n~g pilac na hindi mabilang,
di na alumana humusay n~ga lamang
lacad n~g panahong man~ga caguluhan.
Ang general noong balitang D. Carlos
de la Torre n~gani ang pan~galang lubos
na naguing mabuti sa man~ga tagalog
at sa tanang Fraileng nag-asal balaquiot.
Nabalita naman sa panahong yaon
ang ating si Gomez cura sa Bacoor
dahil sa guinaua at pag dedefensor
sa tanang tagalog na piniit noon.
At gayon din naman sa pagpapahusay
sa nangyaring gulo sa bayan n~g Tan~guay,
caya yaong puri at uagas na dan~gal
ay tinamo niya sa catagalugan.
Dahil sa mahiguit na tatlong libong ganap
ang napi-it noon tagalog na lahat
na napacaualan cay Gomez nagbuhat
sa carcel n~g dusa na dilang bagabag.
At pati ni Parang sampuo ni Eduardo
cusa ring nagcamit n~g mabuting trato
sa man~ga castila tumira pa rito
sa bayang Maalat may "penciong" totoo.
Saca sinunod pa ang pinag-usapan
niyaong caayusang magcura sa bayan
at yaong "reforma" niyaong pag-aaral
ay pinaghusay din na hindi naluatan.
Nagcaroon pa noon n~g carrera civil
lahat n~g tagalog may dunong na tambing
caya si Vivencio del Rosario natin
sa Lagunang bayan ay nag alcalde rin.
At si D. Mariano Villafranca naman
sa bayang Misamis alcaldeng nahalal
na pauang tagalog may dunong na taglay
nagcamit n~g tungcol sa cacastilaan.
Nagcaroon pa rito n~g m~ga Jueces
pauang filipino't man~ga Relatores,
at lahat pa disin n~g m~ga napiit
dito nacauala't cusang nacaalis.
Pinatiguil pa n~ga ang pag-eembargo
sa tanang lupain n~g naramay rito,
at pinagalang pa man~ga bahay dito
sa tanang justicia nagalang totoo.
Sa madali't sabi ating pagbalican:
ang cusang sinapit nitong si Luis Parang
sampuo ni Eduardo Camerinong hirang
niyaong macaraan yaong ilang arao.
Pagca't di nalaon sila ay piniit
pinatay sa bitay, sa namucong galit
sa dibdib n~g tanang Fraileng m~ga ganid
uala n~g inimbot cung di gauang pan~git.
Sila'y nag-gasta rin n~g lubhang malihim
sa general ditong lumabo ang tin~gin
sa saganang pilac canilang inyahin
ma
|