lang canilang cabaca
at isinusumpa fraileng lahat baga
hangang ipiniquit yaong man~ga mata.
Ang ibang nahuli doon sa Arcenal
babaye at bata matanda't hindi man
sa canonero n~ga'y pauang isinacay
saca ipiniit na pinarusahan.
Hindi naluata't sa corte nang Madrid
ibinigay alam ang paghihimagsic
nang taga Kabite ni Izquierdong tiquis
general na hayag na sacdal nang lupit.
Sa bunying Ministro n~g Guerra't Marina
doon n~ga dumatal bigay alam niya
caya capagdaca ay sinagot siya
maghalal nang Fiscal taga usig baga.
Dito na inusig at cusang hinusay
nang naturang Fiscal ang tanang nadamay
sa nan~gaghimagsic sa lauigang Tan~guay
at pinarusahan ang may casalanan.
Binigyang _indulto_ iba naman dito
ualang man~ga malay sa nangyaring gulo
n~guni't yaong ibang may salang totoo
lalong nahigpitan sa pagcaca-preso.
Dito na hinuli si Miguel Zaldua
naguing artillero nang panahong una,
na nan~gan~galacal nang talacsang baga
doon sa Kanacaw, sa Udiong ang cuha.
Caya nang piniit siya'y cabubuhat
sa pan~gan~galacal na dati niyang hanap
nasa _lorcha_ pa n~ga nang dacping cagyat
pati nang asauang pinacaliliyag.
Sila'y itinuloy nang caracaraca
doon sa Bilibid na piitang sadiya
na di man quinunan declaracion baga
at caagad-agad sila'y pinagdusa.
Yaong diligencia'y cusang itinuloy
nang nasabing Fiscal nahalal n~ga noon,
upang mapag-usig nan~gulo sa gayong
man~ga caguluhan na ualang caucol.
Nang maliuanagan dito lumabas na
sa declaraciones na guinaua nila
ang cusang nan~gulo sa caguluhan baga
na nangyari noon na ualang capara.
Ang unang lumabas di umano'y _Imperio_
ang nasang itayo tanang filipino,
at ang Emperador na lumabas dito
si D. Joaquin Pardo de Taverang totoo.
Ang man~ga ministros si Burgos at Basa
Antonio Regidor, Paraiso't iba
dito ay nadamay ualang malay baga
caya nang dinaquip pauang napataca.
Nang ito'y matanto man~ga fraileng lahat
pauang nan~gagulo ang isip na in~gat
caya ang guinaua'y canilang nilacad
upang nang mabago ang sa unang hagap.
Dito na n~ga sila gumaua nang pulong
anila'y mabuti magcontribucion
nang ang ating nasang nilalayon-layon
ay cusang matupad sa habang panahon.
Sa pasiyang ito'y pauang nagsi-amin
ni isa'y uala mang tumutol na tambing
caya't nan~gag-gugol nang lubhang malihim
sambuntong salapi cay Izquierdong sa
|